LRT Blues

Kakaiba yung experience ko kanina, nakakatawa na hindi mo maintindihan. Mga bandang 2:30 ng hapon nang makarating ako sa Baclaran. Grabe kasi ang traffic sa may Imus. Medyo uhaw at gutom, diretso ako ng lakad sa may Pasay. Komo nagmamadili na rin ako makauwi sa Pampanga, naisip ko mas mabilis if sa Caloocan na lang ako sasakay. The fastest way papuntang Caloocan: LRT - mga 25 to 30 minutes, nasa Monumento na ko.

After ko bumili ng ticket, although nagmamadali ako, dahan-dahan ako umakyat kasi medyo pagod na rin ako. Upon boarding the train, pagdating sa EDSA Station, may sumakay na Couple. Medyo seksi ang dress ni babae, at pa-cute naman si lalake, as though saying - "Tingnan nyo ang GF ko, wala kayo nyan!" Ako naman, di ko pinapansin, habang they're displaying their sweetness on board. Tinitingnan ko lang yung mga katabi ko, kunyari di nila pinapansin, pero saan ka...sumisimple tingnan ang maiksing shorts ni GF. Especially yung mga youngsters, talaga namang walang puknat ng katitingin. Yung iba namang mga older women, parang sinasabi nila - "Iha, takpan mo naman ng kaunti, wala ka nang itinira."

Ganun pa man, parang wala talaga sa lugar...naisip ko tuloy, parang lahat sa kaniya for sale.

0 comments :: LRT Blues

Post a Comment