Sarap ng feeling kasi yung binigay niya, number 47 ako - Ayus...
So I waited, mga 11:40am na siguro yun. Medyo nakakaramdam na ng inip yung mga katabi ko. I waited until 12:15pm and to my surprise, lunch break na daw sila. Only one terminal was left to assist the customers. Ang masaya pa eh sarado na rin yung sa Payment. Unti unti nang nagalisan yung mga tao...everyone was upset. Inis sila, kasi walang notice man lang.
They never informed the customers, kailangan mo pa tanungin yung guard nila na bagsak yata sa GMRC nung nag-aaral pa. Sabi ko, "Babalik na lang ako, pero do I keep my number, I mean pang number 47 pa rin ba ako?" "Nasa inyo yun sir, kasi pagbalik niyo iba na ang number mo."
Naku po, eh di pipila na naman. Haay...ubos ang maghapon for that transaction.
Sana naman, magkaroon ng magandang system pagdating sa customer service. Bakit sa mga car companies, you also wait, pero may TV sila para 'wag ka naman masyado mainip.
I hope they do not forget that we are their customers. Kaya sila kumikita dahil may mga kagaya natin na tumatangkilik ng product nila.


0 comments :: Updates - Please...Wait in Line
Post a Comment